147

May 23, 2020 @ 21:48
By

Lalaki nagpakamatay matapos gilitan ang nanay at asawa

Nag-suicide ang isang lalaki matapos niyang gilitan ang dalawa niyang kapamilya sa loob ng bahay nila sa Barangay Banuar, Laoac, Pangasinan nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat sa PNA, maliban sa kanyang ina at misis, pinatay din ng suspek na si Nestor Untalan ang isang babaeng bedridden na naninirahan sa kanilang tahanan.

Sugatan din ang dalawa lalaking tumulong sa mga biktima.

Sa panayam kay Laoac chief of police Capt. Mark Taminaya, pinatay ni Untalan ang ina niyang si Rema at asawang si May.

Gayundin ang may kapansanan na si Rosita Tangco gamit ang chopping knife.

Nang marinig ng mga kapitbahay na sina Gerardo Tadena at Anthony Pastor ang sigawan sa bahay ng mga biktima ay agad silang rumesponde.

Doon ay inatake sila ni Untalan na kalaunan ay ginilitan din ang kanyang sarili.

Naitakbo sa ospital sa Urdaneta City sina Tadena at Pastor na kasalukuyang inoobserbahan.

Samantala, hindi naman nasaktan ang dalawang menor de edad na anak ng suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na maaaring dumadanas si Untalan ng hallucination at iba pang sakit sa pag-iisip.

Sabi ni Taminaya, na tatlong araw na raw naobserbahan ng mga kapitbahay na hindi natutulog ang suspek at napagkamalan pang ahas ang isang stick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?