783

Apr 9, 2020 @ 22:42
By

Lalaki na palihim na nag-abot ng pera sa kapwa shopper, trending sa FB

“Sana dumami pa katulad n’yo!”

Ito ang mensahe ng mga netizen sa isang lalaki na tahimik na nag-abot ng pera sa kapwa niya lalaki para madagdagan ang pinamili nito.

Sabi sa Facebook post ni Marianne Ercillo, nangyari ang eksena sa SM Southmall sa Las Piñas.

Nakapila siya noon para magbayad sa cashier nang maispatan niya ang isang lalaki sa harap niya na nagbigay ng P1,000 bills sa kapwa nito mamimili.

Pagbalik aniya sa pila ng binigyan ng pera ay may dala na itong dalawang pack ng gatas sabay pasasalamat sa taong nag-abot sa kanya ng pera.

“I saw the guy in white lumapit kay manong na naka-dark green sabay discreetly nag-abot ng blue bills (1k peso bills, just not sure kung ilan) kay manong na naka dark green. Then bumalik sa pila si sir na naka white while umalis si manong na naka dark green, iniwan saglit ang kanyang push cart. 2 minutes later bumalik si manong na may extra 2 packs of Bear Brand sabay sabi kay sir na naka white, ‘maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni baby,’” kuwento ni Ercillo.

Marami ang natuwa sa generous na lalaki at inulan siya ng “God bless you” message.

Trending ang post na may 529K reactions, 37K comments at 102K shares na habang sinusulat ito.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?