179

By

Lalaki minasaker ang sariling pamilya

Patay ang anim na miyembro ng pamilya ng isang Thai man matapos na pagbabarilin niya ang mga ito sa isang New Year’s eve party.

Napikon umano ang lalaki na kinilala bilang Sucheep Sornsung nang maramdamang hindi siya ‘welcome’ sa pamilya ng kaniyang in-laws.

Ayon sa mga pulis, lasing na lasing si Sucheep nang bunutin nito ang baril sa lamesa sa isang beauty parlor kung saan nagaganap ang pagdiriwang.

Ikinasawi ng 6 na miyembro ng kaniyang pamilya ang naturang insidente.

Kabilang sa mga nasawi ang kaniyang 9 na taong gulang na anak na lalaki at 6 na taong gulang na anak na babae.

“They were shot either in the head or the torso … he was angry that as the son-in-law, he was not being made welcome by his wife’s family.” Saad ni Lieutenant Colonel Larp Kampapan ng Phato Police.

Matapos barilin ang pamilya ay itinutok din nito sa sarili ang pistol.

Ang 4 pang mga biktima ay 2 lalaki at 2 babae na may edad na naglalaro sa 47 at 71 anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?