78

By

Lalaki huli sa pagdadala ng mga bala sa MRT

Isang pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang inaresto dahil sa pagdadala ng mga bala sa North Avenue Station nitong Miyerkoles.

Kinilala ng pamunuan ng MRT ang suspek na si Don Ray Adina, 36.

Kabilang umano sa dala ni Adina ang isang magazine at walong piraso ng 10-millimeter ammunition sa loob ng kaniyang backpack.

Na-detect umano ang mga bala ng MRT-3 baggage scanner.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Philippine National Police-Regional Mobile Force Battalion sa Shaw Boulevard si Adina.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?