1,771
gun
By

Lalaki hindi nag-ambag sa inuman, inutas

Nagwakas sa trahedya ang masayang inuman ng magkakaibigan makaraang barilin at mapatay ang 27-anyos na lalaki ng kaniyang kainuman nang tumangging “magpatak” sa kanilang bill sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Batay sa report sa Quezon City Police District, namatay noon din ang biktimang si Antonio Naz Arquero, residente ng Brgy. Payatas, QC, sanhi ng tinamong maraming tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Lorenzo Celestial, 38, doorman ng Pink Panther Beerhouse at residente ng Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Bienvenido Ribaya III, alas-3:40 ng madaling-araw nang maganap ang barilan sa loob ng Pink Panther Beerhouse na matatagpuan sa No. 1635 IBP Road Area A, Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Masaya umanong nakikipag-inuman ang biktima sa suspek na nakilalang si Bernardo Vasquez Jr., at ilan pang mga kaibigan nito pero makalipas ang ilang oras nang malasing na ang mga ito ay kinuha na nila ang kanilang babayaran.

Nang hingan ng suspek ang biktima ng “patak” o share nito sa kanilang bill ay tumangging magbigay kaya nagalit si Vasquez at kinuha ang kaniyang baril saka sunud-sunod na pinaputukan si Arquero saka mabilis na tumakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?