61
Lalaki binaril ng sinaksak na sekyu, todas
By

Lalaki binaril ng sinaksak na sekyu, todas

Dedbol ang isang lalaki makaraang barilin ng sinaksak niyang security guard sa Barangay E. Rodriguez sa Quezon City.

Inilarawan ni PInsp. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima na nasa pagitan ng edad 20-30 at katamtaman lamang ang pangangatawan.

Siya ay namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong dalawang tama ng kalibre 38 Armscor revolver sa kaliwang dibdib at kanang kamay dakong alas-4:31 ng madaling-araw ng Marso 24.

Kasalukuyan namang naka-confine sa EAMC si Florante Oclarit, 54, may asawa, security guard ng Goodyear Pawnshop at residente ng No. 308 NIA Road, Brgy. Pinyahan ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamong dalawang malalim na saksak ng fan knife sa kaliwang kamay at likuran.

Batay sa pahayag ng nakasaksing si Edwin Erbon kay PO3 Rhic Roldan Pittong, ng CIDU-QCPD, nangyari ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa harapan ng Goodyear Pawnshop na matatagpuan sa Ermin Garcia St., cor., Edsa, Brgy. E. Rodriguez.

Mag-iigib umano siya ng tubig nang makita niya ang ‘di kilalang lalaki na nakasuot ng bonnet na sinaksak ang security guard na si Oclarit.

Bagama’t duguan ay binunot ng guwardiya ang kaniyang baril at dalawang ulit na pinaputukan ang lalaking nanaksak sa kaniya.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nangyaring krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?