1,501

By

Lahat ng sakay ng bumagsak na eroplano ng Afghanistan patay

Isang eroplano ng Afghanistan ang bumagsak at nagliyab sa nababalutan ng yelo na Deh Yak district, sa central Ghazni province.

Ayon sa Mirror, naiulat na patay lahat ng sakay na pasahero ng Boeing 737-400 na ino-operate ng Ariana Afghan Airlines.

Sinabi ni Ghazni Governor Wahidullah Kalimzai na narekober na ang mga bangkay ng dalawang piloto.

Nasa 15 katao umano ang sakay ng eroplano nang bumagsak sa south-west ng Kabul nitong Lunes.

Inaalam pa ang sanhi ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?