1,073

Jul 30, 2019 @ 21:43
By

Laguna mayor kinasuhan matapos manghawa ng ‘tulo’

Sinampahan ng criminal complaints sa Ombudsman ang alkalde ng Cavinti, Laguna matapos niyang mahawaan ng sexually transmitted disease (STD) ang isang babae.

Nahaharap si Mayor Milbert Oliveros sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children law at immoral conduct.

Ayon sa kuwento ng biktima na itinago sa pangalang Cristina, maliban sa panghahawa sa kanya ng “tulo” ay nabuntis din siya ng alkalde.

“Cristina is seeking justice for her and her baby. The STD that the victim contracted from the Mayor is so serious and could no longer be cured. The virus will stay in her for life,” saad sa inilabas na statement ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Dagdag pa ni Cristina, alam umano ng alkalde na mayroon na siyang STD bago pa sila magtalik.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Mayor Oliveros ang alegasyon at sinabing kasinungalingan ito at gawa-gawa lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?