600

By

Laging kumokontra! Pacquiao napikon kay Lagman

Napikon si Senador Manny Pacquiao kay Albay Representative Edcel Lagman dahil palagi nitong binabatikos ang magagandang programa ng gobyerno para sa mahihirap partikular ang pagtatayo ng Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Laging kumokontra ‘yan (Lagman). Di ko alam kung against siya sa mahihirap o para lang sumikat o kumontra lang sa magandang program ng ating gobyerno,” sambit ni Pacquiao.

“‘Yung mga politiko na nagseserbisyo na kumontra palagi para sa mga magandang programa para sa mahihirap, tumigil na kayo nagseserbisyo, wala silang kuwenta sa taumbayan,” dagdag pa nito.

Sabi ni Pacquiao, nasasaktan umano siya sa tuwing may politikong nambabatikos sa mga programa ng gobyerno para sa mahihirap.

“Nasasaktan ako kapag binabatikos ang programa para sa kanila dahil diyan ako galing sa pagiging mahirap, ‘yung walang makain sa isang araw. Naranasan ko ‘yun,” ayon sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?