28

Apr 7, 2020 @ 11:24
By

Lady Gaga: Billie Eilish, Lizzo magtatanghal para sa COVID-19 crisis

Inanunsiyo kahapon ni Lady Gaga na magkakaroon ng worldwide telecast kabilang sina Lizzo, Billie Eilish at iba pa bilang suporta sa healthcare workers ngayong may new coronavirus pandemic.

Mapanonood sa Abril 18 ang “One World: Together at Home” sa iba’t ibang television and digital networks sa daigdig.

Magtatanghal at tampok dito sina Alanis Morissette, Andrea Bocelli, Billie Eilish, Chris Martin, David Beckham, Elton John, John Legend, Keith Urban, Stevie Wonder at iba pa, ayon sa isang pahayag.

Sa ulat ng Reuters, sinabing tumawag si Gaga sa World Health Organization’s coronavirus briefing nitong Lunes para ilantad ang proyekto niya at ng advocacy group Global Citizen.

Nakalikom na ang organizers ng $35 milyon na ibibigay sa WHO’s COVID-19 Solidarity Response Fund. Ang target nila: makaipon ng pondo bago ang
telecast para ma-enjoy ng mga manonood ang event.

Ngayong Martes, higit 1.3 milyon na ang nahawa sa new coronavirus sa daigdig, kabilang ang higit 74,000 pagkamatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?