35
Lady Altas pa rin ‘yan! – Cariño
By ,

Lady Altas pa rin ‘yan! – Cariño

Walang mababakas na kalungkutan sa mukha ni Perpetual Help Lady Altas coach Macky Cariño matapos kapusin ang kanyang tropa na maselyuhan ang kampeonato noong Biyernes.

Sa pagharap ni Carino sa media matapos ang five-set match nito kontra defending champions na Arellano University, hindi mababakas sa mukha nito ang pagkatalo.

“Akala niyo ba malulungkot ako, hindi ako malulungkot kasi naniniwala pa rin na ako na mananalo ako,” pambungad na bati ni Carino.

“Wala naman talagang binibigay ang Diyos na pangmadalian eh, kailangan pinaghihirapan.”

Hindi man nasungkit ang kampeonato ay talaga namang kumapit ang mag taga Las Pinas lalo na fourth set, na kung isalarawan ni Carino puso naging pangunahin nilang sandata dito.

Naging maganda ang takbo ng fourth set sa Lady Altas dahil nagawa pa nilang manakaw ito mula sa 21-17 ng Arellano ay natapos ito sa 25-22.

“Nilagayan na yan ng puso eh, sabi ko nga sa kanila ‘yung fourth set pagpasok natin kapag ganyan pa rin ang nilalaro natin matatalo tayo madalian pero kapag tinaasan niyo ‘yung level ng nilalaro niyo posible yan mag-fifth set at posible mag-champion tayo,” dagdag nito.

“‘Yung fourth set na yan, siguro it is all about attitude. Attitude, ‘yung attitude namin na gusto naming manalo (at) yun nakikita ko sa kanila sa mga past games na nilalaro namin, ‘yun ang nakita ko sa kanila nung fourt set.”

Kumpiyansa si Carino na sa Game 3 ng Finals ay tuluyan na nitong masusungkit ang kampeonato at ibibigay muli nito sa Perpetual ang korona ng women’ s volleyball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?