26

By

Ladon napigil, nagkasya sa silver

Kinulang si Roger Ladon para sa gintong medalya matapos mabigo kay Uzbekistan bet Jasurbek Latipov sa flyweight gold medal match sa Asian Games 2018 nitong Setyembre 1, Sabado ng hapon.

Biglang itinigil ang laban matapos magkaumpugan ng ulo sa second round, nagkaroon ng malalim na hiwa sa noo ng 24-anyos na si Ladon at nagdesisyon ang referee na ihinto ang upakan.

Nauwi sa score ng round 1 ang decider kung saan ibinigay ng mga hurado kay Latipov.

Napurnada ang tsansa ng Pilipinas na muling makapag-uwi ng ginto sa boksing matapos itong masungkit ni Rey Saludar noong 2010 sa Guangzhou, China. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?