909

By

Lacson sumagot kay Duterte: Hindi ako abogado, pero marunong akong magbasa

Tingin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, exaggerated lang ang naging patama sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihan ang mambabatas ng ‘ignorant’.

Sa statement ni Lacson, nilinaw nitong hindi siya madalas sumabat sa mga isyu at tanging sa Twitter lang naglalabas ng opinyon.

“Aside from my Twitter posts, I only comment on issues when asked, and not even all the time,” saad ni Lacson. “I play ‘dedma’ when I am not familiar with the issue.”

Sinagot din ni Lacson ang banat ni Duterte na kanyang mapapalampas ang mga patama ni Lacson dahil hindi naman daw ito abogado.

“I may not be a lawyer but I know how to read and understand the law that I read, or ask my lawyer-staff when I don’t,” pahayag pa ng mambabatas.

Paliwanag pa ng dating Philippine National Police chief, parehas sila ng pinaglalaban ng Pangulo na pagtugis sa mga korap sa pamahalaan.

Nilinaw din ng senador ang sinabi ni Duterte na may balak umano siyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022.

“I am not even sure if I want to run for President, so I do not know what he is talking about,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?