79

Feb 26, 2020 @ 21:56
By

Lacson, Sotto, Legarda, Honasan muling nagsama-sama

Tila nagkaroon ng reunion ang ‘macho bloc’ ng 17th Congress na binuo nina Senador Panfilo Lacson, Senate President Tito Sotto, Antique Representative Loren Legarda at Department of Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan.

Sa Instagram post ni Sotto, nag-selfie siya kasama sina Legarda at Lacson at sinabing si Greg, si Honasan ang tinutukoy na ang tunay na pangalan ay Gregorio, na lang ang kanilang hinihintay.

View this post on Instagram

Pareng Greg, ikaw na lang kulang!

A post shared by Tito Sotto (@helenstito) on


Dumating din kalaunan si Gringo at nakipag-picture sa mga dati niyang kasamahan sa macho bloc, kasama din si Senadora Grace Poe.

View this post on Instagram

17th Congress bloc

A post shared by Tito Sotto (@helenstito) on


Nagsama-sama ang apat sa pa-dinner ni Legarda para kay Honasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?