83
Lacson sa ‘Villar for SP’ ni Imee: Libre naman mangarap
By

Lacson sa ‘Villar for SP’ ni Imee: Libre naman mangarap

Walang nakikitang problema si Senador Panfilo Lacson sa pinalutang ni Senator-elect Imee Marcos na may pagkilos umano para mailuklok na Senate President (SP) si Cynthia Villar.

Ani Lacson, maaari umano nilang itulak ang sinumang miyembro ng Senado na maging SP sa ano pa mang motibo o dahilan.

Simple lang umano ito, 13 sa 24 senador ang makakapagluklok ng Senate President at sinuman aniya ang may hawak ng nasabing bilang ay awtomatikong magiging SP at kung hindi man ay libre naman umano ang mangarap.

“It’s quite simple though. 13 out of 24 senators can install a Senate President. Anybody who has that number automatically becomes SP. If not, they can dream on. It’s for free,” wika ng mambabatas.

Sinabi rin ni Lacson na wala naman siyang naririnig na anumang pagtutol tungkol sa leadership sa Senado dahil maging ang minority bloc ay suportado umano ang kasalukuyang SP na si Tito Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?