75
ABANTE ping lacson pulis panday bundat
By

Lacson kinuwestiyon ang pagtitipid ng Comelec sa mga SD card

Magsasagawa umano ng pagdinig ang Senado tungkol sa nangyaring kapalpakan sa midterm elections.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kailangang magpaliwanag ang Comelec sa ilang mga isyu gaya ng pag-shift sa simultaneous transmission ng mga data mula sa precinct level bago sa transparency server.

Saka ito ita-transmit simultaneously sa mga authorized recipient, na lumabas na siyang dahilan ng paghinto sa paglalabas ng mga resulta ng may pitong oras.

Pangalawa umano ay dapat malaman kung sino ang may kontrol sa transparency server at ano ang purpose nito.

Higit sa lahat umano ay kung bakit nagtipid at bumili ng mababang kalidad ng mga SD card.

Matatandaang umabot sa 1,000 SD cards ang nagloko habang ginaganap ang eleksyon noong Lunes.

Isinisi ng Comelec sa bagong supplier ang mga murang SD card.

Depensa naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, lagi silang tinutuligsa ng publiko sa malaking paggastos kaya lowest bidder, cheap din umano ang kanilang nakuha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?