6,792

By

Lacson kay Loot: Handa mo na mga bodyguard mo!

Nagbibiro man o hindi si Pangulong Rodrigo Duterte, dapat umanong ihanda na ni dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot ang kanyang mga body guard, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Well, you should ask him first if he was joking or serious when he said that,. Midway into his term, we should already be familiar with his penchant for saying something as serious as that and dismissing it as a joke afterwards,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message kahapon sa mga reporter.

“Joke or not, Mayor Loot would be better off minding his physical security 24/7,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos sabihin ni Duterte noong Martes na pina-ambush niya ang dating Daanbantayan Mayor.

“Loot, p… mo, nanalo pa na mayor. Inambush kita, animal ka, buhay pa rin!” sabi ni Duterte.

Si Loot, na dating police general ay isa sa limang ‘narco general’ na pinangalanan noon na sangkot sa kalakalan sa droga. Pinabulaanan naman ni Loot ang bintang ng Pangulo.

Ayaw naman magkomento ng kaalyado ng pangulo na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil wala naman umano siya sa lugar nang sabihin ni Duterte ang pag-ambush kay Loot.

“I can’t comment because I was not around when he said that. The context in which he declares something must be seriously considered otherwise he is prone to be quoted out of context as he has always been,” sabi ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?