344

By

Lacson kay Albayalde: Para mapatunayang walang sala, kaso sa ‘ninja cop’ buksan ulit

Para kay Senador Panfilo Lacson, kakailanganin ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde ng matibay na ebidensya para mapatunayang wala siyang kinalaman sa naging kaso sa Pampanga noong 2013.

“Sa totoo lang… ako mismo nagkaroon ng konting pagdududa sa kanya although iba ‘yung duda, iba ‘yung ebidensya, pero sa ngayon hindi natin pwedeng akusahan na siya’y sangkot o nagtakip dito,” ayon kay Lacson sa panayam sa dzMM.

Dapat umano ay muling mabuksan ang kaso sa 13 Pampanga cop na pinangunahan ni Major Rodney Baloyo sa umano’y pagkawala ng mga nasabat na iligal na droga mula sa drug ops.

“At ang pinakamagandang pruweba para maipakita nya na talagang hindi nya pino-protektaha sila Baloyo… bago sya magretiro, madaliin nya ‘yung pag-review ng kaso, pag-reinvestigate at bigyan nya ng karampatang parusa na katulad sa binigay na parusa sa original na decision na dismissal at tsaka may criminal case,” ayon kay Lacson.

Matatandaan na inakusahan ni dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Albayalde na nakialam umano ang PNP chief sa kaso ng mga Pampanga cop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?