114
Lacson hino-‘hostage’ ang 2019 budget para gumanti kay Arroyo – Bravo
By

Lacson hino-‘hostage’ ang 2019 budget para gumanti kay Arroyo – Bravo

Personal vendetta umano ang dahilan kaya hino-“hostage” ni Senador Panfilo Lacson ang proposed 2019 national budget.

Sa isinagawang press conference, inakusahan ni Deputy Minority Leader at Coop-Natco party-list Rep. Anthony Bravo si Lacson na naghihiganti kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng pag-“hostage” sa budget.

Ito ang naging pahayag ni Bravo sa naging babala ni Lacson na hindi umano pipirmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang enrolled bill sa proposed 2019 national budget kung gagamitin ang “iligal” na amendments ng mga kongresista sa naratipikahang budget bill.

“Sen. Panfilo Lacson is holding the budget hostage because of personal vendetta to our Speaker GMA. He has not said anything good about the Speaker from the very start of her leadership as the speaker and in fact even before the change of leadership in the House…” ani Bravo.

Pinasinungalingan din ni Bravo ang bintang ni Lacson na naglipat si Arroyo ng nasa P95 billion sa infrastructure funds para sa mga distrito ng kanyang mga kaalyado.

Itinanggi rin ni Bravo na may ginawa silang iligal nang himayin nila ang lump sum portions sa expenditure plan.

Aniya, gusto lang ni Lacson na hindi magtagumpay ang liderato ni Arroyo.

“He don’t want the Speaker to be successful and the leadership of Speaker,” dagdag pa ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?