639

By

Lacson: China malakas sa Duterte admin

Mukhang malakas ang kumpas ng “China lobby” sa ilalim ng pamunuang Duterte, ayon kay Senador Ping Lacson.

Sinabi kasi niyang hindi niya nakikitang wasto ang travel ban ng bansa sa Taiwan, maging ang terminasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).

“Just like the VFA termination, the travel ban to Taiwan is a policy decision implemented by the executive department which may not necessarily be correct, health wise and politically. It seems that the China lobby has become a very powerful force under this administration,” wika ni Lacson, sa ulat ni Nimfa Ravelo, ngayong Biyernes, Pebrero 14.

“Only time will tell if this major shift in the country’s foreign policy will benefit our people in the medium and long term,” hayag pa niya.

Nilarawan din niya si Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang “president who does not give much importance to counsels and consultations with sectors that could very well help him arrive at well-informed decisions.”

Sinabi rin ng senador na hindi siya titigil sa pambabatikos sa mga malalaking desisyon ni Duterte na nakaaapekto sa taumbayan, kahit pa patuloy niyang sinusuportahan ang pamumuno nito.

Pinatupad ang travel ban sa Taiwan kaugnay sa pagkalat ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang nagbanta si Duterte na ibabasura ang VFA dahil kinansela ng US government ang visa ni dating Philippine National Police chief at ngayo’y Senador Bato Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?