80

By

Labi ng PMA cadet dinala na sa Cagayan de Oro

Iniuwi na ang labi ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro matapos ang isang araw na burol sa loob ng PMA sa Baguio City.

Bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Sabado nang ilabas ang labi ni Dormitorio mula sa PMA at isinakay sa aircraft at inilipad patungo sa Cagayan de Oro bandang 12:51 ng hapon.

Samantala, pansamantalang isinara para sa mga bisita ang PMA bilang pagbibigay ng privacy sa nasawing PMA cadet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?