311

By

Labag sa NBA rules? Giannis inalaska si LeBron sa pag-pick kay Davis

Sharing is caring!

Naging kwela ang kauna-unahang televised NBA All-Star game draft pick sa pagitan nina LeBron James at Giannis Antetokounmpo.

Matapos mapili ang para sa starter role, unang kinuha ni Giannis ang kanyang kakampi sa Milwaukee Bucks na si Khris Middleton.

Kaagad namang sumegunda si LeBron para kunin ang six-time NBA All-Star na si Anthony Davis, na napabalitang gustong magpalipat sa Los Angeles Lakers.

Dahil dito, naging perpektong moment ang nangyari kung saan kinuwestiyon ni Giannis na baka tampering umano ang naging pagkuha ni LeBron kay Davis.

“Isn’t that tampering?” saad ng Bucks star.

“Tampering rules do not apply on All-Star Weekend,” tugon naman ni James habang tumatawa.

Matatandaan na naging issue dati ang tampering matapos aminin ni LeBron na siya’y aktibong nagre-recruit ng mga star player sa mga napaglalaruang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?