87

By

La Salle fan minura, naghamon ng away sa mga taga-Ateneo

Caught in the act ang isang lalaki na nag-bad finger at tila inuudyukan ng away ang mga Ateneo fan sa aksyon sa UAAP Season 81 women’s volleyball.

Sa laban ng Ateneo at National University, nagkaroon ng girian ang isang DLSU fan at ang Ateneo fanbase, nakatayo ang supporter ng La Salle, na nag-slit throat sign pa bago paulanan ng Ateneo chant.

“[this] happend after d 2nd set of admu vs nu game nung nanalo ang NU.i undrstand n green [siya],mag cheer [siya] s klaban ng ateneo.ntural yun pero yung mg fuck u sign [siya sa] mga blue,dat i cant understand. d b pwede magcheer s gusto mong team ng d mo kailangan mg-provoke ng away,” ayon sa tweet ng kumuha ng video na si @leahranin.

Humakot ng 1.1k likes ang nasabing video at marami ang naimbyerna sa ginawa ng La Salle fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?