170
La Mesa Dam bypass hindi sarado – Maynilad engineer
By

La Mesa Dam bypass hindi sarado – Maynilad engineer

Pinabulaanan ng isang empleyado mula sa Maynilad ang isang viral post ng nagngangalang Angel Salazar na sinabing ipinasara ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang La Mesa bypass para paburan ang Maynilad kaysa Manila Water.

Sa report ng GMA News TV sa Dobol B, iginiit ni Engr. Ronaldo Padua na matagal na umanong nakabukas ang nasabing bypass.

“Nakabukas po iyan,” ayon sa engineer.

Sa post ni Salazar, na nagpakilalang naging empleyado ng MWSS ng tatlumpung taon, ibinintang nito na nagsimula ang water crisis dahil sa pagsasara ng bypass.

March 2018 pa umano nakabukas ang bypass ayon kay Padua at hindi pa muling isinasara simula noong nakaraang taon.

He said the bypass is closed only when there is too much water coming from Angat Dam.

“Sa ngayon, itong period na ito, since mid last year, bukas na yan. Nire-regulate lang ang opening niya,” ani Padua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?