297

By

KZ tuloy ang laban kahit nalaglag sa #1

Anyare kay KZ Tandingan sa Singer 2018?

Kung level up siya sa unang salang niya, sa pangalawa ay level down siya at ‘Laglag Queen’ ang eksena, huh!

Sa pagkanta nga niya sa episode 6 ng pinaka-popular na singing contest na ito sa China, pu­malo rin siya ng ika-6th dahil wa feel ng mga Chinese ang kinanta niyang isang Mandarin song.

Sa video nito, akala mo talaga ay feel na feel ng mga Chinese ang pagkanta ng Pinoy pride dahil makikita sa reaksiyon ng audience na talagang hangang-hanga sila kay KZ at ang lakas pa ng sigawan nila, pero sa announcement nga ay nasa bottom 2 siya.

Ibig sabihin ay hindi nagustuhan ng majority ang madrama niyang pagkanta ng isang Mandarin love song kahit pa ramdam na ramdam nila ang emosyon nito.

Siguro ay mas hinanap at inabangan nila ang pasabog na kanta ni KZ na parang bomba onstage. Kumbaga ‘yun na kasi ang tatak niya na ‘yun din ang ini-expect sa kanya ng voting group.

Halatang tensiyonada pa rin si KZ na maging si Jessie J ay napansin ito. ‘Yun nga lang, suwerte ni KZ dahil sa pagiging number one niya noon sa episode 5 ay number 3 siya sa overall ranking kaya tuloy ang kanyang journey.

Ang payo nga sa kanya ng mga expert, huwag nang isipin ‘yung risk-risk na ‘yan sa competition. Ibigay ang hilig ng audience na siyang bumoboto.

Kung ang hanap sa kanya ay laging explosive numbers, eh, ‘di ‘yun ang ibigay niya! Kasi nga nagpapakilala palang siya kaya ‘di pa tanggap ng Chinese audience ang pagbabago kaagad niya ng genre, noh!

‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?