2,501

By

KZ Tandingan walang paki sa ranking sa ‘Singer 2018’

Nagpahayag ng kanyang saloobin si KZ Tandingan sa kanyang Twitter post kaugnay sa laban niya sa ibang mga mahuhusay na artist-singer sa buong mundo kabilang na ang British pop star na si Jessie J sa kasalukuyang umeere ngayong “Singer 2018” sa China.

Tila nakakaramdam na si KZ sa nalalapit na pagkakatanggal niya sa nasabing kompetisyon kaya naman nagposte ito ng mensahe niya na anuman ang kanyang maging puwesto sa kompetisyon, umaasa siyang ipinagmamalaki pa rin siya ng mga kapwa niya Filipino.

@Kzofficial: “Gave everything, every single ounce of strength, and my little heart for every performance. Regardless of the ranking, I hope you guys are proud to be Filipino because I am, even in a foreign land.”

Sa mga naunang episodes naglalaro sa apat o limang puwesto si KZ sa “Singer 2018”. Noong unang sampa ni KZ sa show kung saan umawit siya ng “Rolling In The Deep” ay naging number one siya sa ranking.

Pinalalakas naman ang loob niya ng mga follower niya sa pagsasabing kahit anong mangyari siya pa rin ang bida sa kanilang mga puso.

@semslater: “Rankings don’t matter anymore because you’ve represent well the country, you’ve showcase how talented Filipinos are, and it’s already enough to make us proud. Just keep on slaying KZ! We’re here to support you throughout your Singer 2018 journey! Mabuhay ang Pilipinas!”

@kat_bayona: “Don’t let the rankings define you, it is only temporary. What will remain is how you fight until the end. You fought a good fight of faith.”

@Baller_Julls: “So grateful to have you sing to the beats of the songs you sang as a proud pinoy. We love you po ate @KZofficial.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?