348

By

KZ Tandingan pinadapa sa kantahan si Jessie J sa China contest

Hindi lang pinuri kundi inulan ng congratulatory messages si KZ Tandingan nang kumalat sa social media ang pagwawagi niya at pagpapataob kay Jessie J nang manguna ang ASAP artist sa linggong ito sa China’s reality search singing competition na “Singer 2018” habang pumangalawa lang ang nasabing British pop star.

Ilan sa mga kasamahan sa industriya ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa pagna-No. 1 ni KZ.

@inigopascual: “Out of words..not surprised..I knew she had it all along, and she’s just getting started. That’s my ate right there @kztandingan.”

Pang-international ang comment ni Angeline Quinto sa kapwa kasamahan sa ASAP.

@loveangelinequinto: “Kaze (KZ), hinding-hindi ako nagkamali. Pang-international talaga ang talent mo. Yan nay un kaze. Para sa yo talaga yan. Good luck and God Bless you @kztandingan #pinoypride #thankyoulordforeverything.”

Wala raw kapares si KZ ayon kay Yeng Constantino.

@yeng: “Congratulations KZ!!! Iba ka!!! @kztandingan.”

Lumabas na sa Youtube ang performance ni KZ na siyang dahilan ng mga pagbati sa kanya ng mga kasamahan sa industriya.

Mapapanood sa video ang rendition ni KZ ng kantang pinasikat ni Adele na “Rolling In The Deep” na nilapatan niya ng techno sound at ginawang jazz-soul arrangement.

Kahit mismo si Jessie J ay natutulala sa natunghayan niyang husay ni KZ sa kakaiba nitong timpla ng kanyang inawit.

Sa video teaser ng competition, nagpahayag ng pagkabilib niya si Jessie J kay KZ at sinabi nitong “big voice.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?