46

By

KZ Tandingan maraming baong pasabog sa China

Sobrang nakaka-proud bilang Filipino ang ipinakitang gilas ni KZ Tandingan sa isang singing­ show sa China. Kinabog lang naman niya hindi lang ang mga singing greats ng China at iba pang kalaban, kundi maging ang world singing phenomenon na si Jessie J na nag-second place lang sa kanya sa naturang round.

KZ needs to defend her being number one in the next round. We can’t wait for it to happen, lalo pa’t nag-viral nga ang success niya worldwide.

Napaka-versatile singer­ ni KZ. Marami siyang ‘baon’ na mga kakaibang areglo na swak ang hagod at appeal para sa mga audience at judge sa ganung kontes.

Simula na nga ito ng pambihirang international career para sa magaling na artist ng Cornerstone.

Bigla tuloy namin naalala, about this time, last year, isa si KZ sa mga very special guests ng aming birthday concert sa Teatrino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?