174

KZ Tandingan, makikipagsabayan sa int’l music stars sa China

Magpapakitang-gilas sa international music stars si soul singer, composer, and recording artist KZ Tandingan sa gaganaping Chinese singing competition na “Singer 2018” bukas, Pebrero 9.

Kasali si KZ, na sumikat matapos manalo sa Pinoy version ng “The X Factor”, sa “Singer 2018” sa kasalukuyan nitong ikalimang episode.

Apat na linggong magkakasunod nang paborito ng audience ang British singer na si Jessie J sa naturang kompetisyon.

Ang “Singer 2018” ay sikat na reality TV singing competition sa China na tampok ang magagaling na singers mula sa iba’t ibang bansa.

Paglalabanan nilang makuha ang boto ng audience.

Nakatakdang harapin ni KZ ang Taiwanese pop singers na sina Angela Chang at Sam Lee nitong season.

Magka-tiyansa kayang magka-duwelo sa kantahan sina KZ at Jessie J?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?