114

By

KZ, Kyla, Yeng at Angeline kabado na sa concert ng Boyz II Men

Kasamang magpe-perform sa concert ng all-time best selling R&B group Boyz II Men sina KZ Tandingan, Kyla, Yeng Constantino at Angeline Quinto.

Gaganapin ito sa December 15 sa Araneta Coliseum.

Ayon sa grupo na binansagang Divas, nakakaramdam na sila ng pressure na makasama sa stage ang Boyz II Men.

“Nakakanerbiyos pero good kind of pressure siya eh kasi isang honor makatrabaho po namin ‘yung ganun ka-excellent na mga musiko,” anang Pop Rock Superstar na si Constantino sa media conference nitong Martes.

Nakilala ang Boyz II Men sa mga kantang pinasikat nito gaya ng “On Bended Knee,” “I’ll Make Love To You,” “Four Seasons of Loneliness” at marami pang iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?