684
Kyrie naaawa kay LeBron
By

Kyrie naaawa kay LeBron

Sa patuloy na pagsadsad ng Los Angeles Lakers na nilipatan ni LeBron James, isang dating kasangga ang nagpaabot ng simpatya para sa three-time NBA MVP.

Sabado, Linggo sa Pilipinas ay muling nagkaharap ang dalawa sa court kung saan wagi si Kyrie Irving at Boston Celtics kontra sa Lakers ni James, 120-107, na mas lalong nagpalumo sa tsansa ng LA-squad sa playoffs.

At dahil sa dinaranas ng kaibigan, sinabi nitong hindi dapat sisihin si LeBron sa pagkasadlak sa unang season niya kasama ang Lakers lalo’t ilang laro ang kanyang nabakante dahil sa injury.

“I feel for him. I really do. I feel for him. I’m very empathetic towards it because how much he wanted to play during that time when he messed up his groin,” saad ni Irving sa report ng The Athletic.

Bago matamo ni LeBron ang groin injury, pasok sa playoff picture ang Lakers hawak ang 20-14 win-loss record, ngunit biglang dumausdos pababa sa 17 laro wala ang four-time NBA MVP, nakamit ang 6-11 record sa kanyang pagkagarahe.

Ngayon ay nasa 11th spot na ang Lakers, 6.5 games sa ibaba ng eight seed na San Antonio Spurs dahilan para maputol ang 14 season postseason streak ni James.

Inaasahang lilimitahan na ang minuto ni James sa mga susunod na laro, ngunit matatandaang nilinaw nito na hindi siya magpapabangko at bubuhatin pa rin ang Lakers hanggang sa dulo ng regular season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?