239

By

Kyrie-LeBron reunion sa Lakers?

Bigo mang makuha ng Los Angeles Lakers ang asam nilang coach matapos mamatay ang negosasyon kay Tyronne Lue, malakas naman ang ugong ngayon na posible nitong makasama sa koponan ang kanyang dating Cleveland Cavaliers partner na si Kyrie Irving.

Matapos mabigo ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks sa Eastern Conference second round, marami ang kumuwestiyon dahil sa naging maalat na shooting ni Irving na isa sa mga naging dahilan ng pagyuko ng koponan.

Sa huling apat na laro, tila nawala ang tikas ni Irving, Game 2 ay 4 of 18 field goal, 8 of 22 sa Game 3, 7 of 22 sa Game 4 at 6 of 21 sa Game 5.

Sa kabuuan ng serye, 104 na tira ang sinubukan ni Irving, 102 naman ang points na nailusot nito patunay kung gaano kamalas ang manlalaro sa playoffs.

Sa parating na free agency, libre nang pumirma sa ibang koponan si Irving, at sa social media ay nagsimula na ang ugong para sa reunion nila ni LeBron James sa Los Angeles Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?