74

May 21, 2020 @ 17:20
By

Kyline may online concert sa June 5

Inanunsyo ng Legion Music Festival na si Kyline Alcantara ang pasabog nila para sa kauna-unahan nilang major online concert na “Legion On Board”.

Batay sa inilabas na poster para rito, 4PM onwards sa June 5 magaganap ang online concert na mapapanood sa YouTube channel na Legion Ch, Facebook page na Legion Music Festival 2020 at sa Instagram na @legionmusicfestival.

Layon nito na makatulong sa dalawang charities na Love Plus Charity Foundation at CRIBS Foundation, Inc.

Ang Love Plus Charity Foundation ay isang foundation na tumutulong sa paglaban ng bansa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga food pack habang ang CRIBS Foundation, Inc. ay isang non-profit organization na nagbibigay ng matitirahan sa mga inabandonang sanggol at babaeng minor survivor ng sexual abuse.

Maaari umanong mag-donate sa http://tiny.cc/LegionChFundraising.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?