278

By

Kylie Padilla nanganak na!

Isinilang na ni Kylie Padilla ang second child nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Masaya itong binalita ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account.

Aniya, pinanganak niya si baby Axl Romeo Abrenica noong Lunes ng umaga (Dec. 9).

“December 9, 5:35 am. Axl Romeo Abrenica came into our lives. He is loved, he is cherished and he has one strong suck just like his Kuya,” ani Kylie.

Panganay nina Kylie at Aljur ay si Alas na nag-2 anyos noong August.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?