59

By

Kuya tinarget sa ulo ng kapatid, patay

Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos mabaril ng nakababatang kapatid sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng bahay sa Sitio Atabay, Barangay Poblacion, Cordova, Cebu, Huwebes ng hapon.

Batay sa report mula sa Cordova PNP, nakilala ang suspek na si Eduardo Sitoy, 42, construction worker, na na sumuko at ginamit niyang .357 revolver na kumitil sa buhay ng kuya niyang si Reynaldo Sitoy, 55, kapwa residente ng Barangay Poblacion, Cordova.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid alas-singko ng hapon noong Hunyo 13 na nauwi sa sakitan.

May hawak umanong patalim ang biktima at akmang tinatakot na sasaksakin ang nakababatang kapatid subalit agad namang bumunot ng baril ang suspek.

Marahil ay napikon na sa kuya, walang sabi-sabi na agad na itinutok ang .357 revolver sa ulo ng kuya at ipinutok.

Agad namang sumuko ang suspek at isinurender ang baril sa pulisya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Cordova Police Station detention cell at nahaharap sa kasong parricide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?