880

Kuwait pumalag sa OFWs deployment ban

Kinondena ng foreign minister ng Kuwait ang total deployment ban na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas sa mga OFW.

Kaugnay ito ng pagdeklara nitong Lunes ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘total ban’ sa mga bagong magtatrabaho sa Kuwait, kabilang na ang mga Pinoy na nakakuha na ng employment permits pero hindi pa bumibiyahe patungong Middle East.

Ito’y matapos magalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ulat ng pang-aabuso sa mga Pinoy workers sa naturang bansa.

“This escalation will not serve the relationship between Kuwait and the Philippines,” ani Foreign Minister Sheikh Sabah Khaled Al-Sabah sa mga reporter sa Kuwait City.

“We condemn the statements of the Philippine president, especially since we are in contact with the Philippines at the highest level to fully explain the state of the Filipino workforce in Kuwait,” dagdag pa niya.

Lalong umusok ang ilong ni Pangulo Duterte nitong Biyernes matapos makita ang larawan ng kasambahay na Pinay na isinilid sa freezer, at sinabing, “roasted like a pig” ang biktima kaya’t ipinag-utos nito ang agarang ‘total ban’.

Inakusahan din nito ang mga Arab employer na palagiang ginagahasa ang mga Filipina workers, at pinupuwersa pang magtrabaho nang 21 oras kada araw. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?