46

By

Kuwago na ‘Tala’ nasagip sa Taal island

Nasagip ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang sugatang baby owl, na pinangalanang “Tala,” habang sila’y naglilibot sa Taal Volcano island upang tumulong sa mga bakwit.

Pinangalanan itong “Tala” upang maging simbolo umano ng lahat ng mga hayop na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Miyerkoles ng umaga, Enero 22, nang maispatan ni PLT. Mark Angelo Buccad ng NCRPO – Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ang ibon habang nagsasagawa ang grupo niya ng mobile patrol monitoring sa Tanauan, Talisay Road sa Batangas City para i-verify ang mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa press release ng NCRPO, nasa “near death situation” na si Tala kaya agad itong nilapatan ng first aid at dinala sa Advance Command Post ng NCRPO sa Sto. Tomas, Batangas kung saan ito nabigyan ng isang plato ng mga isda at tubig.

Ginawan ng grupo ang kuwago ng temporary shelter bago ito tinurn-over sa angkop na awtoridad.

“We will continue our effort to help our fellows who have fallen victims to Taal Volcano eruption. With that statement, I mean both humans and animals who were severely affected by this catastrophe,” hayag pa ni NCRPO Chief P/B.Gen. Debold Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?