89
Kung totoo ang alegasyon ni Andaya: 2019 budget, handang ipa-veto ni Sotto
By

Kung totoo ang alegasyon ni Andaya: 2019 budget, handang ipa-veto ni Sotto

Sinagot ni Senate President Vicente Sotto III ang patutsada ni House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya Jr., na inilipat nilang mga senador sa iba’t ibang departamento at ahensiya ang nasa P83.9 bilyon sa naratipikahang 2019 national budget.

Ani Sotto, imposible umano sa mga senador na magawa ang ganoon kalaking realignments.

“If there is even an iota of truth to that, then I will ask the President to veto the entire budget and we can pass a supplemental budget in the 18th Congress sans pork!” saad ni Sotto sa GMA News.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?