1,915

By

Kung hindi pabor sa Duterte admin, iboto ang Otso Diretso – Noynoy

Inendorso ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Otso Diretso senatorial bets sa ginanap na programa sa People Power Monument nitong Sabado.

Nanawagan ito sa mga botante na kung hindi pabor sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ay iboto ang Otso Diretso dahil kung mananalo umano ang mga kandidato na ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mangangahulugan itong dinadala ng Pangulo sa tamang direksiyon ang bansa.

Ipinagmalaki nito ang mga kandidato ng Otso Diretso na hindi umano kawayan na kung saan ang ihip ay doon kikiling.

“Ito hong mga ‘to hindi ho kawayan: ‘Uy, dito ang ihip, dito muna tayo. Uy, nandoon naman, doon naman tayo’,” aniya.

Hindi man nito direktang tinukoy ang mga kandidato ng administrasyon ay sinabi nitong kapag nanalo pa umano ang mga ito ay sobrang kahihiyan na sa bansa.

Kabilang sa dumalo sa selebrasyon ng People Power sina Erin Tañada, Samira Gutoc, Gary Alejano, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romulo Macalintal at Sen. Bam Aquino habang hindi nakapunta sina Mar Roxas at Vice President Leni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?