379

By

Kung gustong tumalon sa lava, go! Duterte hahayaan ang mga taong bumalik malapit sa Taal Volcano

Hindi pipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residenteng gustong bumalik malapit sa Taal Volcano sa kabila ng pag-aalburoto nito.

Sa speech ni Duterte sa ika-69 founding anniversary ng Department of Social Welfare and Development, sinabi nito na kanya nang ipu-pullout ang mga puwersa ng pulis at militar sa lugar.

Aniya, hahayaan na niya umano ang mga local government at mga pulis sa lugar na magmando sa mga barangay na malapit sa Taal Volcano.

Saad pa ng Pangulo, kung may gustong magpilit na pumasok na mga residente sa kanilang kabahayan kahit malapit ito sa Taal ay hindi na dapat ito pigilan dahil magkakasakitan lang sila sa pagitan ng mga lokal at mga pulis.

“Pag may pumilit na tao and the government enforcement guy bars him and he has to do it physically, alam mo ang physical contact sometimes result into an ugly situation. Kasi magpipilit eh… masapak talaga kung ayaw,” saad ni Duterte.

“Ang problema nito it is always the government men who is the guilty culprit. So ang akin ngayon, kung itong mga taga-Taal… I’m withdrawing my police,” aniya pa.

Lahad pa ng Pangulo, puno na umano ng abo ang mga baga ng pulis, at saad pa na hahayaan na ang mga residenteng makukulit kahit delikado sa pagsabog ang Taal Volcano.

“Mag-alis na kami. Kung gusto niyong tumalon diyan sa cauldron of fire and lava, go ahead. Make it short,” pakli ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?