186

Feb 25, 2020 @ 14:49

Kung ayaw sa’kin, aalis ako! Cayetano handang mag-resign bilang House Speaker

Paglilinaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano, hindi siya ‘kapit tuko’ sa kanyang posisyon at handa siyang umalis kung ayaw na sa kanya ang mayorya sa mga kongresista.

Sagot ito ni Cayetano sa panawagang magbitiw na siya dahil sa hindi pag aksiyon nito sa nakabinbing panukalang may kinalaman sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Cayetano ang panawagan para mag-resign ay ginagawa umano sa floor ng Kamara sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kawalan na ng tiwala sa liderato at kailangan ng palitan.

Sa oras umano na ayaw na sa kanya ng mayorya ng mga kongresista ay handa siyang umalis

“You move na walang confidence o palitan. The moment na ayaw na ‘ko nung majority ng mga kongresista, aalis ako,” ayon kay Cayetano.

Paliwanag pa ng House leader na tulad ng paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya maaring apurahin ang pagdinig sa prangkisa ng ABS CBN dahil gusto niya umanong magiging maayos ang takbo ng pagdinig oras sisimulan na ito.

“Hindi ako marunong na bara-bara. Ayoko na ‘pag na-pressure ng media, maghi-hearing na kaagad. So, I’ve explained a million times why it’s important to have orderly, fair hearings. Kung kayang tanggapin ‘to ng majority ng mga kongresista, thank you. Kung hindi, then it’s time to choose a new leader and bahala na kayo. No problem,” dagdag ni Cayetano.

Magugunitang isa si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na nanawagan kay Cayetano para magbitiw dulot ng usapin sa ABS-CBN franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?