41

By

Kumpiskadong ukay ibibigay ng Customs sa nasalanta ng kalamidad

Inanunsiyo ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang plano ng Bureau of Customs na ibigay ang mga nakumpiskang ukay-ukay na damit para sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ni Dominguez na ang mga ukay na damit ay nakumpiska sa San Fernando City, La Union; MICP, Manila Port, Legazpi City, Cebu, Cagayan de Oro, Subic at Davao.

Una nang ibinigay noong nakaraang Setyembre ng Customs Bureau sa DSWD ang nakumpiskang 16,000 sako na may katumbas na 417,000 kilo ng bigas.

Bukod pa dito, nagbigay na ang BOC ng 5,040 de-lata, 109 emergency survival blanket, 350 kahon ng kumot at tuwalya, 1,332 kahon ng mga bagong damit at 153 pakete ng face mask.

Una nang inatasan ni Dominguez ang BOC na ilabas agad ang mga nakumpiskang smuggled rice at iba pang pagkain sa DSWD para maipamahagi sa mga nasalanta ng nagdaaang bagyo.

Pagdidiin nito, may umiiral na batas na nagbibigay laya sa mga ahensiya ng gobyerno na tumulong sa ibang ahensiya na ang mandato ay sumaklolo sa mga nangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?