1,048
Kumpirmado: Kylie Padilla buntis na naman
By

Kumpirmado: Kylie Padilla buntis na naman

Binasag na ni Kylie Padilla ang kanyang katahimikan matapos kumalat ang balitang nagdadalang-tao muli siya.

Sa kanyang video na ipinaskil sa YouTube, kinumpirma ng aktres na masusundan na ang kanyang panganay na si Alas, na anak kay ngayo’y Kapamilya actor Aljur Abrenica.

“I think it’s an open secret everybody knows, but yes we are expecting our second child,” ayon kay Kylie.

Sa video ay nalaman na rin ang magiging gender ng kanilang magiging anak.

“Boy? Boy? Ulit?” ayon kay Aljur matapos putukin ang lobong itim.

“We’re just happy that I have another new blessing to get to know another new person another little one that’s going to teach me so many things,” ayon kay Kylie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?