26

Kulelat na Lady Realtors babalikatin ni Philips

Ibabangon ni Fil-Am opposite hitter MJ Philips ang Sta. Lucia Realtors na kulelat sa nagdaang edisyon ng Philippine Superliga All Filipino Conference.

Walang naipanalo ang Lady Realtors sa walong salang sa 2018 edition ng torneo kaya muli silang sasandal kay Phillips at sa iba pang mga manlalaro upang makasampa sa playoffs.

Bukod kay Phillips, hahataw rin sa Sta. Lucia sina Jhoana Maraguinot, Pam Lastimos at Ruby de Leon katuwang ang mga bagong dagdag na sina Joy Dacoron, Audrey Paran, Amy Ahomiro at nag Filipino-American libero Alex Bollier.

Kakapitan din ng tropa nito ang seasoned players nito gaya nina Souzan Raslan, Amanda Villanueva, Micmic Laborte, Roselle Baliton at Rebecca Rivera.

Head coach: Babes Castillo

8th place: 2018 PSL All-Filipino Conference

Key players: MJ Philips, Jhoana Maraguinot, Pam Lastimosa at Ruby de Leon

New Acquisitions: Joy Dacoron, Audrey Paran, Amy Ahomiro at Alex Bollier

Roster: Souzan Raslan, Roselle Baliton, Micmic Laborte, Amanda Villanueva at Rebecca Rivera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?