112

By

Kulang pa sa player: PBA draft application ng mga Fil-foreigner, in-extend

Dahil sa kakapusan ng mga nag-apply, pinili ng PBA na i-extend ang kanilang deadline para sa mga Fil-foreigner na gustong tumungtong sa liga.

Mula October 23, magiging November 29 na ang huling draft application ng mga Fil-foreigner para sa 2019 PBA Draft.

Ito ay kasabay na ng deadline na tinakda para sa mga local player para sa draft proper na gaganapin sa December 8 sa Robinson’s Place Manila.

Sa ngayon, dalawang matunog na pangalan ang kasali, ito ay sina D-League star Roosevelt Adams at dating Adamson forward Sean Manganti.

Hitik sana sa mga Fil-foreign talent ang ngayong draft class ngunit nag-withdraw ng aplikasyon sina Troy Rike, Franky Johnson at Joshua Munzon para magpokus sa 3×3 tournament.

Maliban pa kila Manganti at Adams, sali din sa draft sina Vince Tolentino, Adrian Wong, Jason Riley, Daryl Singontiko, at Mark Taylor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?