299

By

Kulang din sa karanasan, qualifications: Cory, Bato pareho lang! – ilang netizen

Naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ni Ronald ‘Bato’ dela Rosa na naghahanap ito ng mga seminar para sa mga trabaho sa Senado ngayong malaki ang tsansa nitong umupo bilang susunod na mambabatas ng bansa.

Sa panayam sa CNN Philippines, kanyang sinabi na hihingi siya ng tulong kina JV Ejercito at Koko Pimentel, na kanyang nakalaban sa pagka-Senador, kung ano ang kakailanganin niyang ihanda bilang ganapa na mambabatas.

“Magtatawag-tawag ako kina Koko Pimentel, JV Ejercito kung ano ba talaga ang trabaho ng senador, what do I need to prepare,” ayon kay Bato.

Mayro’n bang mga seminar diyan? Training para gumawa ng batas? Kung mayro’n, I will take that opportunity,” aniya pa.

Maraming mga netizen ang kumutya sa naging pahayag ni Bato, sinabi na bakit pa ito tumakbo kung hindi naman pala nito alam ang trabaho ng isang senador.

Ngunit ilan naman ang nagtanggol dito, sinabing hindi lang siya ang natatanging naluklok na salat sa karanasan at qualification sa tinakbuhang posisyon.

Ayon sa ilang social media posts, ganito rin ang nangyari kay dating Pangulo Cory Aquino, na nanalong presidente nang talunin si Ferdinand Marcos .

“Some people make fun of Bato when he honestly admit that he did not know how to make laws and willing to take seminars to learn. The same people who adored Cory Aquino who took the highest political position in the country – her qualification – housewife,” ayon sa pro-admin FB group na Team Philippines.

“Si Cory Aquino (I don’t like her as president dahil sa Mendiola Massacre) walang karanasan sa presidency pero naging Presidente! Pero di naman sya magnanakaw! Di sya ang architect ng tokhang. She was pushed by the situation to lead the oppposition against Marcos,” giit naman ng netizen na si Gerardo Lanuza.

Depensa din ng iba, hindi lang kapulisan ang hinawakan ni Bato, siya rin ay nakapagtapos ng Masters in Public Administration kaya’t hindi umano makwekwestiyon ang background nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?