4,090

By

Kulang ang pasweldo! Barbie Imperial pina-Tulfo ng dating PA

Inireklamo kay Raffy Tulfo ang isang teen actress ng kanyang dating personal assistant dahil pinagbintangan umanong magnanakaw ang nasabing PA.

Sa Youtube video na SIKAT NA YOUNG ACTRESS, INIREKLAMO NG KANYANG P.A.!, makikita sa thumbnail ang naka-blurred na mukha ng aktres, na inimbestigahan sa social media at dito nakita na si Barbie ang nasa larawan.

Ilan pang hint ang binigay sa show na ‘Wanted Sa Radyo’ tungkol sa aktres, tinawag sa alyas na ‘Manika’.

Sinabi rin sa show na na-feature sa kalendaryo ang teen star. Matatandaan na Tanduay calendar girl si Barbie para sa kanilang 2020 edition.

Reklamo ni Annalaine Revilla, ang dating PA, marami daw sa kanyang pinagawa na hindi na parte ng kanyang trabaho dahil naging tila katulong din umano siya ng nanay at kapatid ng aktres.

Isa pang hinirit nito ang P7,000 lang na pasweldo sa kanya, na mababa sa minimum wage sa Metro Manila.

Nguni tang talagang kinainis ng dating PA ay ang pagkwento umano ng aktres na magnanakaw si Revilla, at sinabing dapat na magbago ang pag-uugali ng dating alaga.

Nakausap ni Tulfo ang aktres sa telepono at sinabing babayaran ang kulang na sweldo para kay Revilla, ngunit wala umanong sapat na ebidensya ang PA para magsampa ng kasong cyber libel para sa aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?