87

By

Kuku, Raven tandem sa Geek Fam

Dating nagsama sa TNC Predator, ngayon ay muling magiging magkakampi sina Carlo ‘Kuku’ Palad at Marc Polo Luis ‘Raven’ Fausto para sa Malaysian organization na Geek Fam.

Ito’y matapos ianunsyo ni Kuku ang kanyang pag-alis sa Pinoy squad na TNC matapos muling ‘di palarin sa The International.

Dalawa pang bagong mukha ang sasanib sa Geek Fam na sina Eric ‘Ryoya’ Dong at Koreanong si Kim ‘Dubu’ Doo-Young na tatayong bagong captain ng koponan.

Samantala, nanatili naman sa Malaysian-backed team si Kenny ‘Xepher’ Deo.
Sasalang si Kuku sa offlane role para sa kanyang bagong koponan, habang mid naman ang mula North America na si Ryoya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?