74

By

Kuku, eyyou aalis na sa TNC

Hindi na masisilayan sina Carlo “Kuku^” Palad at Nico “eyyou” Barcelon sa lineup ng TNC Predator sa mga susunod na kompetisyon.

Sa video na inilbabas ng DOTA 2 Pinoy pro team, inanunsyo na lilisanin na nina Kuku at eyyou ang kanilang roster.

Ayon kay Eric M. Redulfin, ang CEO ng TNC Predator, susubukan ng dalawa na sumali ibang pro team.

Papalitan nina Damien “kpii” Chok at Taewon “March” Park ang naiwang spot nina Kuku at eyyou sa TNC.

Matatandaan na matapos ang The International 9 ay nag-tweet si Kuku ng “LFT” na ang ibig sabihin ay ‘looking for team’.

Nagpasalamat naman sina Kuku at eyyou sa TNC sa kani-kanilang social media account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?