55
Kudeta sa Kamara, posible - Pimentel
By

Kudeta sa Kamara, posible – Pimentel

Hindi umano maiiwasan na magkaroon ng kudeta sa Kamara maging sa Senado man, ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel.

Ginawa ni Pimentel ang reaksiyon kasunod ng pahayag ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte hinggil sa posibilidad na magkaroon ng kudeta sa eleksiyon sa bagong House Speaker sa Hulyo 22.

“Ang mga coup hindi ina-announce ha. Ewan ko kung mayroong announced coup…” sabi ni Pimentel, pangulo ng PDP-Laban.

“Basta always a possibility ‘yan ‘di ba kahit dito sa Senate… nangyari na yata dito ‘yan,” dagdag pa nito.

Pero agad kumabig si Pimentel na malabong magkaroon ng kudeta sa ilalim ng pamumuno ni Senador Vicente Sotto III bilang Senate President.

“Not under the Sotto regime. Basta theoretically, everything is possible,” sambit pa nito.

Nauna nang sinabi ni Pulong na nakatanggap siya ng ulat na isa sa tatlong kandidato sa pagka-House Speaker ay nagbabalak na magkudeta sa Hulyo 22.

Ito’y sa kabila ng pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Taguig Representative Alan Peter Cayetano bilang Speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress habang ang natitirang 21 buwan naman ay itutuloy ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Si Cayetano ay miyembro ng Nacionalista Party habang si Velasco ay kandidato ng PDP-Laban, ang dominant majority party sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?